GENERAL SANTOS CITY – Nagdeklara na ng state of calamity ang lungsod ng General Santos dahil sa 2019 novel coronavirus.
Inihayag ni Councilor Jeng Gacal na siyang nagsumite ng resolusyon na kailangang maging proactive ang lungsod na ibig sabihin na mas makakabubuting maghanda at hindi na aantayin pang makarating ang virus bago maghanap ng paraan.
Ang P10 million na pondo ang nagmula sa disaster fund na gagamitin sa paggawa ng isolation room sa Dr. Jorge Royeca Hospital, pagbili ng gamo, o maaari ring bumili ng thermal scanner dahil wala pang equipment ang GenSan airport.
Sinagot din ni Gacal ang puna na “OA” ang Sangguniang Panglungsod sa pagsusulong sa naturang resolusyon.
Ayon sa konsehal, nakataya ang kalusugan ng publiko dahilan para ito ay tutukan.
Naging basehan ni Gacal sa deklarasyon ng state of calamity ang pahayag ng World Health Organization (WHO) na global health emergency na ang 2019 novel coronavirus.
Napag-alaman na mayroon ng isang Chinese national na person under monitoring o PUM sa Gensan na nasa 13 araw na ang self-quarantine at walang sintomas ng naturang virus.
Sa ngayon halos 500 ang patay dahil sa corona virus at mahigit sa 24,000 ang nagkasakit.