Nahihirapan na umano si General Services Administrator Emily Murphy sa bigat ng kaniyang responsibilidad sa pagdesisyon may kaugnayan sa resulta sa presidential elections.
Pakiramdam aniya ng opisyal, inilagay siya sa isang sitwasyon na walang panalo ayon sa mga taong malapit sa kaniya.
Base pa sa impormasyon, nakakaramdam ng “pressure” sa dalawang kampo si Murphy at nakakatanggap na ng mga death threats.
Si Murphy ay nagtatrabaho upang bigyang kahulugan ang malabong mga alituntunin ng ahensya at sundin ang nakikita niya kung ano ang mga naunang panuntunan hangga’t matapos ang resulta ng halalan.
Ang nasabing proseso ay kilala bilang “pagtiyak” na magpapahintulot sa pagsisimula ng presidential transition.
Napag-alaman na tahimik na nag-reach out daw sa team ni presumptive US President Joe Biden ang ilang mga opisyal na bahagi ng Trump administration kasama na ang ilang mga political appointee na nag-resign sa kanilang tungkulin.
Ang nasabing hakbang ay isang palatandaan na nabigo si US President Donald Trump na magkaroon ng kaanib mula sa administrasyon sa kaniyang pagtanggi na tanggapin ang resulta ng halalan at ang patuloy na ginagawa nitong pagharang kay Biden sa White House. (with report from Bombo Jane Buna)