-- Advertisements --
Napirmahan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang City Ordinance 87333 o ang pagdeklara ng General Tax Amnesty sa mga delinquent business at real property taxes ganun din sa mga traffic violations mula Oktubre 1 hanggang Disyembre 29, 2021.
Sinabi ng alkalde na ang nasabing ordinansa ay makakatulong sa mga babayarin ng mga taxpayers.
Paraan din aniya ito para makatulong na makabangon ang mga negosyante dahil sa COVID-19 pandemic.
Nakasaad sa nasabing ordinansa na mabibigyan din ng tax amnesty ang mga lumabag sa traffic at parking rules na ipinapatupad sa Manila Traffic Code at No Contact Apprehension program.