-- Advertisements --

Nagpahayag ng suporta ang Association of Generals and Flag Officers (AGFO) sa paninindigan ng gobyerno na igiit ang sovereign rights ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Nananawagan ang nasabing grupo sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na protektahan din ang kanilang mga sundalo na nasa frotnline.

Batay sa isang pahayag na inilabas ng AGFO na suportado at nagtitiwala sila sa paninindigan ng gobyerno na igiit ang sovereign rights sa West Phl Sea.

Ayon sa AGFO na ang aksiyon ng China Coast Guard (CCG) at China Maritime Militia (CMM) ay napaka unprofessional, escalatory na paglabag sa United Nations protocols.

Pinuri naman ng AGFO ang mga sundalo na kabilang sa rotation and resupply mission sa BRP Sierra Madre nuong June 17 sa Ayungin Shoal dahil sa kanilang pagiging propesyunal sa kabila ng agresibong aksiyon ng China Coast Guard.