Mamamahagi ang Department of Health (DOH) sa mga government hospital ng mas murang bersyon at generic ng anti-COVID-19 pill ng Pfizer na Paxlovid.
Ayon kay Food and Drugs Administration (FDA) director general Dr. Oscar Gutierrez na nabigyan na nilang compassionate special permit (CSP) ang Bexovid ang mas murang bersyon ng Paxlovid.
Dagdag pa nito na ang CSP ay ibinibigay sa DOH at ang nasabing ahensya na ang mamamahagi sa mga pagamutan kapag nagsimula na ang Biocare Lifescience.
Ang Bexovid ay kauna-unahang generic version sa buong mundo na US-FDA approved brand na Paxlovid na gawa ng Pfizer na ang generic name nito ay nirmatrelvir at ritonavir.
Ang nasabing gamot ay magpapabawas ng hospitalization o kamatayan ng hanggang 89% kapag naibigay ito ng tatlong araw mula ng maramdaman ang sintomas habang 88% naman kapag naibigay ng limang araw.