-- Advertisements --

Nadakip na sa Paris, France ang isa sa mga itinuturing na “most wanted” na suspek sa nangyaring genocide sa Rwanda na si Félicien Kabuga.

Ayon sa French justice ministry, dinala na ngayon si Kabuga sa Asnières-sur-Seine, kung saan ito namalagi gamit ang ibang pagkakakilanlan.

Una nang kinasuhan ng International Criminal Tribunal for Rwanda ang 84-anyos na si Kabuga ng genocide at crimes against humanity.

Sinasabing si Kabuga ang main financier ng Hutu extremists na siyang nagmasaker sa 800,000 katao noong 1994.

Tinarget nila ang mga miyembro ng minorya na Tutsi community, maging ang kanilang mga kalaban sa pulitika.

Dati na ring nag-alok ang Estados Unidos ng $5-milyong pabuya para sa pagkakaaresto ni Kabuga.