Naniniwala ang Philip COVID-19 variant na unang na-detect sa India.
Base kay PGC executive director Dr. Cynthia Saloma marami ng kaso ng coronavirus aniya ang hindi natutukoy ang pinagmulan ng transmission.
Posibleng may kinalaman aniya dito ang Delta variant sa pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa.
Nitong nakalipas Biyernes, nakapagtala ng pinakamataas na bagong mga aktibong kaso ng COVID-19 ang bansa na umabot ng 17,231 cases naungusan nito ang naitala noong April 2 na 15,310 new COVID infections.
Kung kaya umakyat na sa 123,251 ang kabuuang aktibong kaso ng infections sa bansa.
Samantala, batay naman sa DOH, nakikitang dahilan ang ilang factors sa pagsipa sa higit 17,000 kaso ng covid19 sa bansa ay ang paglabag sa mga minimum public health standards at PDITR strategy na maaaring nakadagdag dito ang presensiya ng iba’t ibang variants na na-detect na sa bansa.
Gayundin ang ginagawa ngayon ng mga LGUs na pagpapaigting pa sa contact tracing at active case finding sa mga high risk areas sa nakalipas na mga linggo.