-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Aabut sa dalawang milyon na pasahero ang kayang i accomodate sa Gensan International Aiport bawat taon sabay sa pagbukas ng passenger boarding system nagdaang araw.

Ayon kay CAAP Gensan manager Joel Gavina na naglaan ng P400M pundo para mapaayos ang pangalawang palapag ng nasabing airport terminal at paglagay ng dagdag navigational system at accessory.

Sinabi rin ni Gavina na kung operational na ang runway ligthings magkakaruon na ng night operations at posebli mga Internatioanl flight.

Ang nasabing airport ay capable sa international standard dahil ang nasabing paliparan ay may mahigit sa tatlong kilometrong runway.

Matatandaan sa nagdaang mga taon mahigit lamang sa 800,000 na pasahero ang ma accomodate ng Gensan airport dahil kulang ang mga accessories.