-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Puspusan ang training sa ngayon ng GenSan boxer na si Jayson Mama para sa nakatakdang laban nito kay Moruti Mthalane sa Disyembre 20, 2020 sa South Africa.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo GenSan kay Jim Claude Mananquil, promoter ng Sanman Promotions na si Mama ay challenger ng South African boxer para sa International Boxing Federation (IBF) world flyweight title.

Sa pahayag nito na nasa maayos ang kondisyon ng naturang boksingero na nagsasanay sa GenSan.

Dagdag pa nito na ngayong December 7, 2020, tutulak ang Team Mama papuntang sa South, Africa.

Napag-alaman na noong 2008 natalo si Mthalane sa kamay ng pinoy boxer na si Nonito Donaire, Jr. via tecknical knockout.

Mula nang matalo ang naturang boxer ay pawang tagumpay na ang kanyang natamo sa 16 na kanyang mga nakalaban.

Habang hiniling ni Mama sa sambayanang Pilipino na suportahan para makapasa sa lahat na mga requirements, base sa protocols dahil sa naranasang pandemnya.