-- Advertisements --

Gensan Boxer na si Jade Bornea handa na sa nalalapit na laban kontra kay IBF Superflyweight Champion Fernando Martinez
Unread post by bombogensan » Wed May 31, 2023 7:27 am

GENERAL SANTOS CITY – Handa na si Gensan Boxer Jade Bornea para sa kanyang nalalapit na laban kontra kay IBF Superflyweight Champion Fernando Martinez mula sa Argentina na nakatakda sa Hunyo 24, 2023.

Sinabi ni Arnel Fontanilla ang Coach ni Bornea na malaking hamon ito para sa Pinoy boxer ngunit susubukan nila ang lahat para manalo.

Sa kasalukuyan, nasa maayos na kondisyon si Bornea na nagsasanay sa Amerika.

Nabatid din na hindi magiging problema ang bigat niya dahil matagal na nilang pinaghandaan ang labang ito.

Naging sparring partner din ni Bornea ang isa pang Piny boxer na si Jerwin Ancajas na dalawang beses na tinato ni Martinez.

Sa kasalukuyan, may 18 panalo at labindalawang knockout si Bornea habang si Martinez naman ay may perpektong 15 panalo, walong knockout at wala pang talo.