GENERAL SANTOS CITY – Walang makakapasok at wala ding makalabas sa Gensan City Jail matapos ang pagpositibo sa 52 bilanggo.
Mismong si City Jail warden Jail Lt Col. Melton Placencia ang nagpalabas ng utos na isara ang jail facility mula pa kahapon.
Lahat ng nagpositibu sa mga bilanggo ang kaagad inilagay sa isolation habang binabantayan na walang makalabas sa kanila.
Dagdag nito na dahil nasa luob lamang ng piitan madali lang ang contact tracing habang nagpatuloy ang swab test sa iba pana bilanggo.
Nalaman na kahapon 200 ang nadagdag na bagong kaso ng COVID 19 dito sa rehiyon habang 83 nito residente nitong lungsod.
Nasa 594 naman ang active cases habang 2,688 naman ang mga nakarekober.
Matatandaan nagka close contact sa COVID 19 patient ang isang babaeng personahe ng BJMP ng ma commit ang isang bilanggo na may kaso sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs act of 2002.