GENERAL SANTOS CITY – Nasa isang selda lamang nilagay ang 52 bilanggo na nagpositibo sa COVID 19 habang nagpatuloy ang ginagawang interventions ng rural health unit.
Ito ang sinabi ni Jail Supt. Melton Placencia ang warden ng General Santos City Jail. Paraan umano ito kahit nagsiksikan ang nasabing mga bilanggo para mapigilan kaagad ang pagkalat ng virus.
Galing umano sa iisang selda ang 52 inmates na tinamaan ng coronavirus disease matapos nagpositibu ang isa sa 13 bagong priso ng dumating sa facility.
Ang nasabing mga bilanggo umano ang dinala sa isolation room na kinaruonan ng 63 pang bilanggo.
Nilinaw ni PLacencia na ang mga tinamaan ay ang mga bilanggo naruon sa isolation room at hindi sa mga malalaking selda na kinaroonan ng mga high profile at iba pang inmates.
Ang General Santos City Jail ay merong mahigit 1,250 na inmates.
Nalaman din na nasa 400% na ang congestion sa nasabing lugar.