-- Advertisements --
GENERAL SANTOS CITY – Humingi ng paumanhin si General Santos City PNP Director Col. Jomar Alexis Yap Police Office (GSCPO) sa mga kaanak ng mga biktima ng pamamaril sa lungsod ng Gensan.
Sa kanyang pahayag na bilang hepe ng pulisya ng lungsod, responsibilidad niyang ipatupad ang kapayapaan.
Gayunpaman, hindi nila pinabayaan ang imbestigasyon kung saan marami na anya ang nakasuhan.
Sa listahan mula Enero 1, 2022 hanggang Marso 14, 2023, sa 55 na insidente ng pamamaril na naitala sa lungsod, nangunguna sa listahan ang murder case.
Sa kasalukuyang taon naman, buwan ng Pebrero ang may pinakamaraming naitalang kaso ng pamamaril na nasa pitong kaso.
Nabatid na karamihan sa mga insidente ng pamamaril sa lungsod ay nangyari sa malalaking mga barangay.