-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Nanawagan ang ilang General Santos City Councilors sa National Bureau of Investigation (NBI) at Criminal Investigation and Detection Group(CIDG) na hulihin na ang mga investment scheme na patuloy na tumatanggap ng pay in mula sa mga investors.

Ito ang napag-usapan ng mga City officials ng LGU GenSan matapos nakarating sa mga ito angaimpormasyong may ilan pa ring investment scam na muling humihikayat sa publiko na mag-invest ng salapi kapalit ng malaki umanong tubo o interes.

Iginiit ng mga opisyal na ang pang-eengganyo ng mga nasa likod ng investment scam sa social media pati sa mga text messages sa cellphone.

Sa pahayag pa ng mga ito na imposibleng walang alam ang mga otoridad hinggil dito.

Matatandaang inamin mismo ng NBI-Sarangani District Office na kanilang nalaman ang sikreto umanong pagbabalik-operasyon ng Kabus Padatuon (KAPA) at iba pang investment scam sa GenSan at iba pang kalapit na lugar.