GENERAL SANTOS CITY – Hindi na kailangan na isailalim sa Enhanced Community Quarantine ang Gensan para maputol na ang lokal transmission at pagdami ng nagpositib sa coronavirus disease sa rehiyon.
Ayon kay Sec. Delfin Lorenzana na minimal lamang ang COVID at somobra pa ang 600 hospital beds na ihihanda ng LGU . Kung may pagtuunan man ng pansin ang LGu iyon ay ang Fishport complex para matigil na ang transmission.
Iminungkahi din ni Chief Implementor Carlito Galvez na kailangan ng magpatayo ng dalawang Regional hospital sa SocSKSarGen ang isa ang ipatayo sa Sultan Kudarat at ang medical center ang ilagay dito sa lungsod.
Nalaman na kailangan ng fishport complex ang contact tracing apps.
Kaagad namang nakita ang weakist point ang dining dapat magkatalikod o kaya maglagay ng barrier at cubicle at maglagay ng maraming entrance at mga exit.
Dapat din maglagay ng martial para masunod ang social distancing.
Matatandaan hiningi ng Philippine Medical Associations Gensan Chapter na isailalim sa ECQ ang lungsod para mapigilan ang pagdami ng contaminations.