-- Advertisements --
GENERAL SANTOS CITY – Mahigpit na sa ngayon ang preparasyon ng General Santos City kaugnay sa pagsisimula ng biyahe ng eroplano mula sa Clark International Airport sa Pampanga patungo sa lungsod at vice verse.
Ayon kay Leonard Flores, department head ng City Economic Management and Cooperative Development Office (CEMCDO) na nakatakda ang operasyon ngayong Abril 26, 2023 na tatlong beses sa loob ng isang linggo bawat Lunes, Miyerkules at Biyernes.
Sa kanyang pahayag na ang naturang rota ay malaking tulong sa turismo at sa negosyo ng lungsod.
Hindi lamang ang GenSan ang makabenepisyo nito kasali na ang mga karatig lugar sa Rehiyon 12.
Dahil dito konektado na GenSan sa lahat na mga international airport sa bansa.