-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Hinde magdeklara ng State of calamity ang lungsod ng Heneral Santos matapos ginawa ang damage asseshment sa mga buildings sa lungsod.

Sa pinatawag na emergency meeting ni Gensan Mayor Lorelie Pacquiao kasama ang ibat ibat Department Heads sinabi ni City Disaster Risk Reduction Management Office head Dr. Bong Dacera na 541 ang dinala sa ibat ibang pagamutan, 32 nito ang admitted habang 509 naman ang nagkaruon ng minor injuries matapos nawalan ng malay.

Sa pagtama ng magnitude 6.9 magnitude na lindol nagkaruon lamang ng minor damage ang mga structures sa lungsod habang iilang tanggapan ng gobyerno ang dineklara na sa red category na ibig sabihin hinde safety na gagamitin maliban na lamang kung may advice.

Tulong pinansyal naman ang binigay ni Mayor Lorelie Pacquiao sa pamilya ng 3 biktima na namatay sa lindol pati mga mangingisda na nasiraan ng mga bangka na hinanpas ng alon matapos lumaki ang dagat.

Nagdeklara na rin ng suspension of classes hanggang sa araw ng martes pati ang trabaho para makumpuni ang mga minor damages na naranasan ng mga public buildings habang tuluyan ng isinara ng DPWH ang Buayan bridge na nagkonekta sa probinsya ng Sarangani matapos nagkaruon ng bitak ang tulay na 40 taong nagserbsiyo .

Ngayong araw sarado lahat ng mga establisemento habang iilang sasakyanan lang ang makita sa mga kalye.