GENERAL SANTOS CITY – Pinangunahan ni Mayor Lorelie G. Pacquiao kasama ang mga opisyal ng Local Government Unit ang Groundbreaking Ceremony ngayong araw, Hunyo 24, 2023, para sa bagong City Hall sa West Wing, City Hall Compound.
Ayon kay Mayor Pacquiao, panahon na upang isaayos ang City Hall ng Gensan dahil ito ay nararapat lamang para sa mga residente ng lungsod.
Sa mensahe ng alkalde binigyang-diin niya ang pagkakaisa bilang susi sa mas maunlad na lungsod.
Pinangunahan ni Mayor Pacquiao ang Signing of the Project at Laying of Time Capsule kasama ang iba pang opisyal ng LGU Gensan.
Naroon din sa programa sina DILG Regional Director Josephine Cabrido-Leysa, DILG City Director Rilimin Sandoval, General Santos City Police Office (GSCPO) Acting City Director PCOL Jomar Alexis Yap, at Task Force Gensan Commander Col. Ruben Aquino.