-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Bagong dalawang kaso ng B.1.1.7 variant o UK variant ng COVID 19 ay naitala sa lungsod ng Heneral Santos.

Sa impormasyon na ipinalabas ng lokal na gobyerno na ang dalawa ay close contacts ng unang kaso na naitala rin sa lungsod.

Ang isa ay naideklarang recovered na matapos lumabas na negatibo ang resulta ng RT- PCT test .

Habang ang isang pasyente ay ay nasa Community Isolation Unit kung saan na walay symptoms.

Ang contact tracing sa bagong confirmed cases ay natapos na hanggang sa 4th generation close contacts.

Nakumpirma ito matapos lumabas ang resulta na ipinadala sa University of the Philippines-Philippine Genome Center.

Ang unang kaso ng UK variant sa lungsod ay naitala matapos dumating ang isang authorized person outside residence (APOR) na nagpositibo sa virus makaraan ang ilang araw.