-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Nagdeklara na si GenSan Mayor Ronnel Rivera ng suspension ng klase ngayong Huwebes sa lahat ng antas mula sa kindergarten hanggang kolehiyo sa lahat na paaralan ma publiko at pribado.

Itoy para masiguro na walang bitak ang mga paaralan matapos ang pagyanig ng 6.3 magnitude na naganap alas-7:37 kagabi at para matutukan ang naging epekto sa nasabing lindol.

Paraan din daw ito na hindi muna makalabas ng pamamahay ang mga estudyante at makasama nila ang kanilang mga magulang.

Sinabi rin nito na siya man ay nakaramdam sa lakas ng lindol kaya’t ginawa kaagad ang paglibot sa lungsod at naabutan nito ang malaking sunog sa G Mall.

Hindi umalis ang Mayor hanggang maapula ang apoy habang kasama nito ang mga opisyal ng city hall at kanyang mga opisyal sa pulisya.

Nasa harap mismo ang mayor sa nasusunog nang magkaroon ng aftershock.

Matatandaan Oktubre 11 nitong taon isang 5.0 magnitude na lindol din ang naramdaman na may epicenter sa Makilala, North Cotabato.