GENERAL SANTOS CITY – On-going ang quarantine ni GenSan City Mayor Ronnel Rivera.
Ito ang kinumpirma ni City Administrator Atty. Arnel Zapatos sa panayam ng Bombo Radyo GenSan.
Ayon sa opisyal, ang alkalde ay nagnegatibo sa isinagawang rapid test sa kaniya noong nakaraang linggo.
Aniya, nais makasiguro ng alkalde sa kanyang kondisyon kayat minabuting dumiretso sa 21 day quarantine.
Sa darating na Sabado naman ay sasailalim ito sa Swab testing.
Nabatid na sumailalim ng quarantine si Mayor Rivera matapos ito dumalo sa libing ng kanyang ina sa Cebu noong July 17, 2020 na kung saan ang lugar ay maraming naitala na covid19 cases.
Tiniyak naman ni Atty. Zapatos na updated ang mayor sa mga nangyayari sa lungsod lalong-lalo na sa pagtutok at pagtugon ukol sa covid-19.