GENERAL SANTOS CITY – Nagpatupad muli ng localized lockdown ngayon ang lungsod matapos nagpositibo sa coronavirus disease ang isang 62 taong gulang na babae.
Ayon kay Gensan Mayor Ronnel Rivera na walang travel history ang nasabing pasyente.
Dagdag nito na 19 na ang nakontact trace habang nagpatuloy ang paghahanap sa mga nagka close contact sa nasabing biktima.
Kinordon na din ang buong compound sa zone 7 Barangay Bula nitong lungsod at wala ng makalabas at makapasok sa lugar matapos binantayan ng Pulisya.
Dahil sa nasabing pangyayari tanging mga essential travel lamang ang makadaan sa boundary checkpoint papuntang South Cotabato habang pinabalik ang ibang hindi importanteng biyahe.
Estrikto din ang paglagay ng mga pangalan sa mga pasahero sa tuwing dadaan sa mga checkpoint para sa contact tracing purposes.
Dahil dito muling nagpatupad ng curfew mula ala 10 ng gabi hanggang ala 4 ng umaga kahit pa nasa Modified General Community Quarantine pa ang lungsod.
Nalaman na nagpatupad na nuon ng apat na araw na localized lockdown ng magpositibu ang isang lalaki na pumunta ng derby sa Matina Davao City.