GENERAL SANTOS CITY – Nagdeklara na Ng State of calamity ang lungsod matapos mangyari ang sunog sa G-Mall.
Ayon kay CSWD head Rebecca Magante na nagpalabas ng executive order si Gensan Mayor Ronnel Rivera para sa pagbigay ng pinansiyal na tulong sa mga empleyado ng Mall na nawalan ng trabaho.
Bawat isa sa biktima ang tatanggap ng P234 bawat araw sa loob ng 45 araw.
Dagdag ni Magante na makatanggap din ng nasabing tulong ang nagtrabaho sa mga pwesto na nagrenta sa loob ng Mall.
Magbigay din ng P311 bayad bawat araw ang Department of Labor and Employment para sa cash for work program sa pamamagitan sa pagtrabaho sa barangay.
Kaagad namang tinanggap ng KCC Mall ang lahat na cashier at bagger ng Gaisano habang inalok naman ng libreng pag-aaral ang iba sa kanila sa isang paaralan dito.
Nalaman na merong 1,500 na mga empleyado at 3,285 na mga dependents ang apektado sa sunog basi na rin sa data ng help desk ng CSWDO.