Personal na binisita ni Secretary Francisco Duque III sa Department of Healtho DOH at Vaccine czar Calito Galvez Jr. ang probinsya ng General Santos City kahapon December 21, 2021 para alamin ang kalagayan ng pangalawang vaccination day.
Napabilib si Duque dahil ang Gensan ang nanguna sa buong Pilipinas na may pinakamadaming nabakunahan sa Bayanihan bakunahan laban sa COVID 19.
Napag alaman na sa second round ng bayanihan bakunahan sa natukoy na probinsya, may target quota ito na aabot sa 48,876 kung saan nasa 29,370 ang nabakunahan na o 60.07% sa target na pinakamadaming naturukan sa buong rehiyon.
Napibilib din ni vaccine czar Carlito Galvez sa naisip na estratihiya ng probinsya sa pagbakuna kung saan mismong ang nagbabakuna ang pumupunta sa bawat barangay para mas madaming mabakunahan lalo na ang mga taong walang oras na pumunta sa mall.
Pinuri din niya ang pagkakaroon ng iba pang tatlong mga mega vaccination sites sa Gensan, sinabi nito na pwede itong gayahin ng ibang probinsya para mas madami pa ang mabakunahan.