-- Advertisements --
GENSAN CITY- Inamin ni Police Colonel Jomar Alexis Yap, City Director ng General Santos City Police Office na naaalarma na ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan at mga residente dito sa lungsod sa nangyaring serye ng pamamaril.
Ngunit ayon kay PCol. Yap, isolated ang mga nangyayaring shooting incident kung saan may ibat-ibang motibo gaya ng crime of passion, rido o ‘away-pamilya’, personal grudge at iba pa.
Tinututukan na ito ng Gensan Police upang mabigyan ng hustisya ang mga biktima.
Giit ng opisyal na dapat ng mahuli ang mga suspek.
Una na nitong sinabi na umanoy mayroong ‘gun for hire’ sa lungsod na sa kanilang nakalap na impormasyon ay nagtatago sa mga identified land conflict areas sa Gensan.