GENSAN CITY – Patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad ang serye ng robbery incident sa General Santos City.
Ang pinakahuling insidente ay nangyari sa isang Resto Grill sa Leon Llido Street, Barangay Lagao, nitong lungsod.
Ayon kay Police Major Abdulsalam Mamalinta Jr, hepe ng Lagao Police Station, ang mga suspek ay sakay ng scooter at kapwa nakasuot ng jacket, naka-ball cap at naka-face mask.
Nang maiparada ang singel motor ay kaagad na dumiretso sa cashiers area at nagdeklara ng holdap at natangay ang mahigit-kumulang P40,000 na kita ng establisiemento.
Natangay rin ng mga suspek ang mamahaling cellphone ng isang staff.
Mabilis namang tumakas ang mga ito sakay ng kanilang scooter sa hindi malamang direksyon.
Matatandaang noong nakaraang araw ay may nangyaring panghoholdap sa isang botika sa lungsod.