Pinapurihan ng Commission on Human Rights (CHR) ang pro-women policies ng gobyerno, kasabay ng pagdiriwang ngayong araw sa international Women’s Day.
Sa pahayag ni CHR spokesperson Atty. Jacqueline de Guia, sa kabila ng nasabing mga polisiya, nabibiktima pa rin umano ng mga misogynistic remarks ang mga kababaihan, gaya ng rape jokes.
Napipilitan din umano ang ilang mga kababaihan na magpalaki ng isang pamilya dahil sa napapatay sa giyera kontra droga ng pamahalaan ang kanilang mga kapamilyang lalaki.
Gayunman, pinuri ni De Guia ang pagsasabatas sa expanded maternity leave act; ang pagpapabilis sa implementasyon ng Reproductive Health Law; at ang suporta ng administrasyon sa national family planning program at sa Magna Carta for Women.
Binigyang-diin din ni De Guia na ang tunay na pagpapahalaga at paggalang sa mga kababaihan ay hindi lamang umano dapat na malimitahan lamang sa batas.