-- Advertisements --

Kinumpirma ni National Economic Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan na ang nararanasang geopolitical tension sa West Philippine Sea (WPS) ay isa sa mga banta na mayruong malaking epekto sa economic growth ng bansa.

Sa Press briefing dito sa Malakanyang sinabi ni Balisacan hindi lamang ang geopolitical tension sa West Philippine Sea ang kanilang kinukunsidera kundi ang iba pang mga contributing threats sa paglago ng ekonomiya ng Pilipinas.

Sa kasalukuyan sinabi ng kalihim na kanilang sinusuri ang iba pang mga prospects sa ekonomiya sa medium term sa kabila ng nararamdamang growth trajectory na sana hindi agad maapektuhan.

Sinabi pa ni Balisacan na kailangang magpatupad ng adjustment ang pamahalaan hinggil dito sa nangyayaring geopolitical tensions.

Ayon kay Balisacan ang global economic slowdown ay mag resulta sa paghina sa external demand kung magpapatuloy at lumalakas ang geopolitical at trade tensions na magsanhi sa pagka-abala sa supply chains.

Binigyang-diin ng Kalihim na tinatrabaho ngayon ng economic team na magpasa ng mga kaukulang reporma para sa transformation ng ating ekonomiya at matiyak ang sustained and inclusive growth.