-- Advertisements --
george floyd 3

Nagpatupad na ng curfew ang 25 syudad mula sa 16 na estado sa Estados Unidos kasunod ng mas lumalalang kilos-protesta sa bansa dahil sa pagkamatay ng African-American na si George Floyd.

Ang mga estado na ito ay California, Colorado, Florida, Georgia, Illinois, Kentucky, Minnesota, New York, Ohio, Oregon, Pennsylvania, South Carolina, Tennessee, Utah, Washington at Wisconsin.

Una nang sinisi ni President Donald Trump sa mga looters at anarchists ang nagaganap na kaguluhan sa Amerika.

Si Floyd, 46-anyos, ay napatay habang nasa ilalim ng kustodiya ng mga otoridad sa Minneapolis.

Ayon sa New York City Police Department, naaresto nila ang nasa 100 katao na kasali sa kilos-protesta habang 15 sa kanilang sasakyan ang sinunog sa Manhattan at Brooklyn.

Dahil din sa kaguluhan ay nagpadala na ng daan-daang myembro ng National Guard sa iba’t ibang estado maging sa District of Columbia.