Binigyang linaw ni Pentagon chief spokesman Johnathan Hoffman na hindi pa ito nagpapadala ng tropa-militar sa Washington para kontrolin ang nagaganap na kilos-protesta sa estado.
Ito’y matapos ibasura ng mga Democratic governors mula Virginia, New York, Pennsylvania at Delaware ang kahilingan ni Defense Secretary Mark Esper na ipaubaya na lamang sa National Guard troops ang kaguluhan sa Washington.
Ayon kay Hoffman, ang 1,600 national guards na pinakilos nito ay ipinadala mula Fort Bragg sa California at Fort Drum sa New York City. Nasa heightened alert status umano ang mga ito sa ilalim ng Title X authority at hindi nakikisali sa kahit anong defense support sa civil authority operation.
Nakatakda sanang lumipat kagabi sa Washington ang ilang otoridad mula New York National Guard ngunit bigla na lamang daw binawi ni New York Gov. Andrew Cuomo ang kaniyang utos.
Sa isinagawa namang press briefing ni Cuomo, sinabi nito na kasalukuyang naka-focus ang NY National Guard sa naturang estado.
Aniya hindi raw ito sigurado kung anong o kanino nanggaling ang request ngunit binigyang-diin nito na hindi niya kailanman ipapadala ang NY National Guard sa labas ng estado.