-- Advertisements --

Nagsanib-puwersa sina Paul George at Kawhi Leonard upang bitbitin ang Los Angeles Clippers tungo sa 113-107 panalo kontra sa Denver Nuggets sa Game 3 ng kanilang Western Conference semifinal series.

Kumamada si George ng 32 big points, tampok ang kanyang limang 3-pointers, habang nagpamalas din si Leonard ng 23-point, 14-rebound performance para makuha ng Clippers ang 2-1 lead sa serye.

Nagtawag ng timeout si Clippers coach Doc Rivers sa 8:29 ng final canto kung saan lubog sila sa 97-90.

Matapos nito, namuhunan ang Los Angeles sa depesa at naghulog ng 14-4 bomba para tangayin ang 104-101 kalamangan.

Sinelyuhan ni Lou Williams ang tagumpay sa kanyang driving layup na nagpalawig sa kanilang lamang sa anum sa huling 2:04.

Sa panig ng Nuggets, nasayang ang 32 points at 12 rebounds na pinakawalan ni Nikola Jokic, na naglaro kahit nananakit ang pulso.