-- Advertisements --

Umaasa ang Department of Public Works and Highways na makuha na ang mga rekomendasyon ng third-party consulting firm kaugnay sa kontrobersyal na P680-million Ungka flyover sa Iloilo bago matapos ang buwan ng Marso ngayong taon.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Engineer Jose Al Fruto, assistant regional director ng DPWH Region 6, sinabi nito na ang geotechnical investigation na isinasagawa ay nakatutok sa pagtukoy sa dahilan ng vertical displacement ng settlement sa piers 4, 5 and 6 sa naturang flyover at sa pag-formulate ng nararapat na engineering solution.

Kung matapos na ang recommendation, magsasagawa ng assessment ang central office kung paano i-apply ang intervention.

Sa kabila ng kaliwa’t kanan na pagtuligsa at pagpuna ng publiko sa proyekto dahil sa pabigat na pabigat na daloy ng trapiko, muling umapela ng konsiderasyon ang naturang ahensya.

Kung balikan, Setyembre 5, 2022 nang binuksan sa traffic ang flyover project ngunit pagkatapos lamang ng dalawang linggo, isinara ito sa publiko dahil sa vertical displacement.

Napag-alamang may nakabinbin ngayon na resolusyon sa Kamara para sa proposed legislative inquiry sa naturang muti-million defective project sa Iloilo.