-- Advertisements --

Binigyan ng pagkillaa ng Philippine Coast Guard (PCG) ang actor na si Gerald Anderson dahil sa pagtulong nito sa mga nasalanta ng bagyong Carina sa National Capital Region.

Iginawad ni Commandant, PCG Commandant CG Admiral Ronnie Gil Gavan ang PCG Auxiliary Search and Rescue Medal at Ribbon sa actor.

Ang nasabing award ay bilang pagkilala sa actor dahil sa pagtulong nito sa rescue operation noong kasagsagan ng bagyo na nagdulot ng malawakang pagbaha.

Labis na nagpasalamat ang actor sa coast guard at umaasa itong gayahin ang kaniyang ginawang pagtulong.