-- Advertisements --
Nagsalita na si Gerald Anderson sa isyu ng paghihiwalay nila ni Bea Alonzo.
Nanindigan ito na walang ibang tao sa dahilan ng paghihiwalayan nila ng nobya.
Nilinaw nito na kaya sila naghiwalay ay dahil sa personal na isyu sa ilalim ng kanilang relasyon.
Reaksyon ito ng actor sa naging pahayag ni Bea na walang pormal na paghihiwalay ang nangyari sa kanilang dalawa.
Magugunitang naging usapin ang paghihiwalayan ng dalawa nitong nakaraang mga linggo at matapos na makitang magkasama sina Gerald at Julia Barretto.