-- Advertisements --

Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang isang German at Korean national na wanted ng International Criminal Police Organization.

Naharang ito ng BI sa Angeles City, Pampanga.

Kinilala ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang mga suspect na sina Klaus Dieter Boekhoff , 60 anyos at Ryu Hoijong, 48 anyos.

Ang operasyon ay ikinasa sa bisa ng notice mula sa Interpol kung saan humiling ito ng kooperasyon sa Pilipinas para malocate at maaresto ang nasabing mga indibidwal.

Si Boekhoff ay pinaghahanap ng mga otoridad sa Germany dahil sa kasong internet fraud.

Pinaghahanap rin ng mga otoridad sa South Korea si Ryu f dahil sa umano’y pagnanakaw at pagbebenta ng sasakyan noong 2015.

Kasalukuyang nakadetene ang naturang mga “undesirable aliens” sa custodial facility ng BI sa Camp Bagong Diwa , Taguig City habang pinoproseso ang kanilang deportasyon.