-- Advertisements --
Naturukan ng magkaibang uri ng bakuna laban sa COVID-19 si German Chancellor Angela Merkel.
Unang naturukan kasi ito ng Oxford-AstraZeneca at sa ikalawang dose ay Moderna vaccine ang ginamit sa 66-anyos na German Chancellor.
Nauna ng sinabi rin ng mga eksperto na ang paghahalo ng mga COVID-19 vaccine ay isang magandang ideya subalit wala pang karagdagang pag-aaral tungkol dito.
May ilang bansa na rin ang nagpaplanong paghaluin ang mga bakuna dahil sa kakulangan ng suplay ng bakuna.