-- Advertisements --
Nagbabala si German Chancellor Angela Merkel sa kaniyang mga mamamayan na dapat maging maingat pa rin dahil hindi pa natatapos ang banta ng coronavirus pandemic.
Sinabi nito na dapat masanay sila na mananatili ang virus ng matagal na panahon.
Nanawagan din ito sa parlyamento na gumawa sila ng hakbang para hindi na kumalat pa ang virus.
Pinaghahanda rin niya ang gobyerno ng mas malaking kontribusyon sa European Union budget.
Nakatakda kasing pirmahan ng mga EU leaders ang $575 billion emergency fund para sa proteksyon ng mga European workers, negosyo at bansa na apektado ng coronavirus pandemic.