-- Advertisements --
Sumailalim na sa “mixed dosing” ng COVID-19 vaccine si German Chancellor Angela Merkel.
Unang itinurok sa 66-anyos na lider ang AstraZeneca habang pangalawang dose naman ay ang Moderna vaccine.
Naniniwala ang mga eksperto na maaaring magandang ideya ang paghahalo-halo ng mga bakuna ngunit masyado pang maaga para sabihin ang kasiguraduhan nito.
Si Ms Merkel ay bababa sa pagiging pinuno ngayong taon makalipas ang 16 na taon sa serbisyo.
Noong Marso, ang Germany, kasama ang iba pang mga bansa sa Europa, ay tumigil sa paglulunsad ng bakunang AstraZeneca matapos na naiulat ang blood clot cases.
Napag-alaman na kalahati na ng populasyon ng Germany ang nakatanggap na ng kanilang first dose ng vaccine.