-- Advertisements --
Angela Merkel
Angela Merkel / IG photo

Pinawi ni German Chancellor Angela Merkel ang pangamba ng ilang mga supporters nito matapos na makita muli itong nanginginig.

Sinabi nito na isang araw lamang niya ito nararanasan at matapos ang pag-inom niya ng tubig ay mawawala na.

Hindi naman na niya idinetalye ang nasabing medical condition niya.

Mula ng maupo ang 64-anyos na si Merkel noong 2005 ay wala itong naitalang kasaysayan na problema sa kaniyang kalusugan.

Reaksyon ito ni Merkel ng makita ito na nanginginig ng katawan sa isinagawang military ceremony sa pagbisita ni Finnish Prime Minister Antti Rinne.

Unang nakita ito sa parehas na kondisyon noong Hunyo 18 ng makaharap si Ukrainian President Volodymyr Zelenskiy at noong June 27 ng makaharap si German President Frank-Walter Steinmeier.