-- Advertisements --
Angela Merkel
Merkel and Zelensky

Sinagot ni German Chancellor Angela Merkel ang kumalat na video nito na labis na nanginginig habang katabi niya si Ukraine President Volodymyr Zelensky.

Ayon sa 64-anyos na German leader, labis ang init ng panahon at ito ay na-dehydrate siya kaya ito nanginginig.

Matapos aniya ang programa ay uminom agad ito ng tatlong baso ng tubig kaya bumalik na sa normal ang kaniyang pakiramdam.

Biniro naman ni Zelensky si Merkel at sinabing handa naman itong agad na tumulong.

Nauna rito, pinag-usapan ang video ni Merkel na habang tinutugtog ang national anthem ng Germany at Ukraine ay makikitang labis ang panginginig ng katawan nito.