Umamin na umano ang isang German doktor na pinatay niya ang isa niyang COVID patient gamit ang lethal injection.
Una nang inaresto ang 44-anyos na doktor na nagtatrabaho sa University Hospital sa Essen, Germany dahil sa hinalang pagpatay sa dalawang pasyente na edad, 47-anyos at 50-anyos.
Hindi naman pinangalanan ng pulisya ang naturang manggagamot.
Sinabi ng German police ang dalawang pasyente ay dumaranas ng malalang kaso ng COVID-19.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, ang nasabing doktor ay umamin pa lamang sa pagpatay sa isang pasyente.
Tinurukan daw niya ito ng lethal injection upang matigil na ang paghihirap ng pasyente.
Gayunman ginawa raw niya ito at ipinaalam sa pamilya ng pasyente.
Batay sa batas sa Germany ang isang pasyente na dumaranas ng malalang sakit ay pwedeng humiling ng mercy killing sa pamamagitan nang pagpetisyon sa korte.
Samantala ang western region ng Germany na Essen ay nakakaranas din ngayon ng severe outbreak ng coronavirus.