-- Advertisements --

Pinayagan na ni German Chancellor Angela Merkel ang muling pagbubukas ng kanilang football league na Bundesliga.

Ayon sa German Football League na magsisimula ang nasabing liga sa Mayo 15 subalit dapat gawin itong close door para hindi na kumalat pa ang coronavirus.

Dagdag pa nila na ilang araw silang nagpulong bago napagdesisyunan ang muling pagbubukas.

Dahil dito ay magiging ang Bundesliga ang siyang kauna-unahang football league sa Europe ang siyang babalik.

Magugunitang maraming mga sporting events ang kinansela dahil sa coronavirus pandemic.