Nagbabala si US President Joe Biden na isasara ang isang pangunahing pipeline ng gas ng Russia sa Germany kung sasalakayin ng Moscow ang Ukraine.
Ito ang kaniyang sinabi sa nangyaring pagpupulong nila ni German Chancellor Olaf Scholz sa Washington.
Sinabi ni Biden, ang US ay “magtatapos” sa pipeline ng Nord Stream 2.
Ang 1,225km (760-milya) na pipeline ng Nord Stream 2 ay tumagal ng limang taon bago maitayo at nagkakahalaga ng $11bn (£8bn).
Ang nasabing energy project na tatakbo sa ilalim ng Baltic Sea, ay idinisenyo upang doblehin ang pag-export ng gas ng Russia sa Germany.
Ngunit sa ngayon ay hindi pa ito nagsimulang gumana, gaya ng sinabi ng mga regulator noong Nobyembre na hindi raw ito sumusunod sa batas ng Germany kaya sinuspinde ang pag-apruba nito.
Ngunit sa naging banta ni Biden, si Scholz mismo ay tumanggi na mangako na tapusin ang pipeline kung magpapatuloy ang pagsalakay.
Isang paninindigan na nagdudulot ng mga problema para sa kanyang foreign minister sa pagbisita sa Ukraine.
Muling inulit ni Scholz ang kanyang panata na manatiling nakahanay sa US, kahit na muli ay hindi nilinaw ang kanyang mga intensyon para sa proyekto ng Nord Stream.