-- Advertisements --

DAVAO CITY – Arestado ang isang German national dahil sa hindi pagsuot ng facemask habang binabagtas ang kahabaan ng Buhangin road, Lungsod ng Dabaw nitong Lunes ng hapon.

Si Jochen , 65 anyos, may asawa, isang German National at nakatira sa Block 41, Lot 3, Cuidad Ezperanza, Brgy. Cabantian, Buhangin, Davao City, ay nahuli dahil sa paglabag sa ipinaiiral ngayong Executive Order No. 23 sa lungsod ng Dabaw o hindi pagsusuot nga facemask.

Maliban sa paglabag sa Davao City EO No. 23, nagpakita rin umano ng kanyang pagka-arogante ang dayuhan nang pinahinto ng mga tauhan ng Motorcycle Riding Safety (MRS) unit sa Quarantine Control Point-2 (QCP-2) sa Tigatto Road.

Wala rin umanong maipakitang mga dokumento sa kanyang minamanehong motor si Neubauer, maliban pa na expired na ang kanyang drivers license.

Dahil dito, patong-patong na mga kaso ang isasampa laban sa naturang German National.