-- Advertisements --
ILOILO CITY – Patay ang isang German national matapos binaril sa kanyang bahay sa Brgy. Camiri, San Enrique, Iloilo.
Ang biktima ay nakilalang si Otto Wolf Gang Alexander Knorr, 10 taon nang nakatira sa Iloilo at may Pinay na asawa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Lt. Col. Arnel Solis, spokesperson ng Police Regional Office-6, sinabi nito na binaril sa ulo ang biktima na siyang dahilan ng kanyang pagkamatay.
Aniya, mag-isa lang ang biktima sa kanyang bahay ng mangyari ang krimen.
Patuloy naman na inaalam ng mga otoridad ang pagkakilanlan ng suspek.
Na-recover sa crime scene ang isang fired cartridge case ng .9mm caliber, isang fired cartridge case ng .40 caliber at isang slug.