-- Advertisements --

Pumanaw na ang kilalang German opera singer na si Christa Ludwig sa edad 93.

Ayon sa kampo nito na pumanaw siya sa kaniyang bahay sa Vienna, Austria.

Nagsimula siyang sumikat sa edad 18 pagkatapos ng World War II at nagretiro noong 1994.

Hinangaan ang singer dahil sa malawak at kalidad ng kaniyang boses.

Isinilang sa Aachen sa western Germany.

Kapwa magulang nito ay musical kung saan ang kaniyang ama ay tenor at conductor sa local opera house habang ang ina nito ay isang mezzo-suprano.