-- Advertisements --

Muling nahalal bilang pangulo ng Germany si President Frank-Walter Steinmeier.

Isinagawa ang secret balot ng nakakaraming mga assembly na nakuha nito ang suporta ng karamihang mga pangunahing partido sa Germany.

Dahil dito ay inaasahang magsisilbi pa siya ng karagdagang limang taon.

Inihahalal ang pangulo sa Germany sa pamamagitan ng special assemblies na binubuo ng mga mambabatas at ilang daang mga kilalang mamamayan nila.

Sa kaniyang talumpati ay binatikos ng German President ang Russia dahil sa patuloy na pagtayo nito ng military facility malapit sa Ukraine.

Noong unang termino nito kasi ay kinokondina niya ang mga nagaganap na karahasan at hinihikayat niya ang mga mamamayan na magpabakuna laban sa COVID-19.