-- Advertisements --

Nakuha ni German tennis star Alexander Zverev ang gold medal sa Tokyo Olympics.

Ito ay matapos na talunin si Karen Khachanov ng Russia sa finals ng men’s single tennis tournament.

Dinomina ni Zverev ang laro sa score na 6-3, 6-1.

Itinuturing ng 6-foot-6 player na isang malaking karangalan ang nasabing panalo na medalya sa Olympics.

Personal namang nanood ng laro si International Olympic Committee president Thomas Bach na kapwa rin mula sa Germany.

Kung maalala una nang tinalo ni Zverev ang world’s No. 1 na si Novac Djokovic.