-- Advertisements --
Tinanggal na sa Mexican Open si German tennis star Alexander Zverev dahil sa pagwawala nito ng matalo siya sa doubles draw.
Naganap ito ng matalo ito kasama ang playing partner na si Marcelo Melo laban sa mag-partner na sina Lloyd Glasspool at Harril Hellovaara.
Pinag-initan nito ang umpire kung saan pinagmumura at sinigawan pa ito.
Hindi na siya napigilan ng kapwa tennis player at hinayaan na humupa na lamang ang galit.
Dahil sa ipinakitang pag-uugali ng world No. 3 ay nagdesisyon ang Association of Tennis Professionals (ATP) na tanggalin na ito sa torneo.
Nakasaad din sa panuntunan aniya ng ATP na posibleng patawan siya ng multa ng aabot sa $20,000.