-- Advertisements --

Umatras na sa paglalaro Tokyo Olympics si German tennis star Angelique Kerber.

Sinabi nito na hindi pa gaano handa ang kaniyang katawan dahil sa katatapos niyang sumabak sa Wimbledon.

Umabot kasi siya sa semifinals ng Wimbledon.

Ayon sa 33-anyos tennis star na isang paborito niyang alaala ang paglalaro nito noong 2012 London at 2016 Rio Olympics bilang bahagi ng Germany team.

Labis siyang nalulungkot dahil sa hindi na siya ngayong makakapaglaro sa Olympics.

Pinasalamatan niya ang kaniyang mga fans dahil sa pag-intindi dahil isa ito sa pinakamahirap na desisyon.

Isa lamang si Kerber sa ilang sikat na tennis star na umatras sa paglalaro sa Olympics na kinabibilangan nina Roger Federer, Rafael Nadal, Dominic Thiem, Serena Williams, Simona Halep at Bianca Andreescu.